Paul Salas, umabot sa puntong gusto nang mag-quit sa showbiz
PEP.ph

PEP.ph

213Subscrice


Sa interview ni Paul Salas para sa GTV series na The Lost Recipe, naibahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media ang pinagdaanan noon na pagdududa sa sarili kung gusto pa niyang mag-artista.

Naranasan daw kasi ni Paul na muntik nang bumigay at itigil ang pag-aartista nang mag-transition siya mula child actor to teen actor.

Kuwento niya, sa isang set ng nabigay sa kanyang part sa isang proyekto kunsaan mga bigating artista ang kanyang kasama, inabot daw ng isang araw na hindi niya magawa ang hinihingi sa isang eksena.

Itinigil na lang daw ang taping at sinabihan siyang sa next taping day na lang uli susubukang kunan ang eksena niya.

"Sobra akong na-down do'n. Pumasok ako sa kotse sabi ko, 'Ayoko na. Ayoko na," lahad ni Paul.

Panoorin ang video ng kanyang interview para malaman kung paano niya nalampasan ang pagsubok na ito sa kanyang karera.

#PaulSalas #TheLostRecipe

Video Producer and Editor: Bernie Franco

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph